^

Metro

2 dedo, 3 grabe sa holdap

-
Dalawa katao ang namatay habang tatlo naman ang nasugatan makaraang pagbabarilin ang mga ito ng tatlong armadong kalalakihan na sakay ng motorsiklo sa magkasunod na panghoholdap sa Marikina City.

Kinilala ang mga nasawi na sina Gaudencio Crusado, 51at Francisco Almariego, 38 kapwa residente ng Concepcion Dos at nagtamo ng mga tama ng bala ng baril sa iba’t ibang bahagi ng katawan.

Nasa kritikal na kondisyon naman si Rosendo Cainoy na kasama ni Crusado, Geraldine Beatrix at Jaime Trinidad.

Batay sa ulat, dakong alas-8:20 ng gabi nang harangin ng tatlong armadong suspect na sakay ng motorsiklo ang Suzuki Carry van nina Crusado at Cainoy at saka nagpahayag ng holdap sa kanto ng Lilac at Gen. Ordoñez Sts. Brgy. Concepcion II, Marikina City.

Sa halip na ibigay ang pera, pinasibat ni Crusado ang sasakyan subalit sinundan naman ng mga suspect hanggang sa abutan at pagbabarilin.

Tinamaan naman ng ligaw na bala sina Beatrix at Trinidad na noo’y naglalakad sa nabanggit na lugar.

Makalipas ang 30 minuto ay patay din sa nasabing mga holdaper si Almariego habang naghihintay ng masasakyan sa Everlasting St. hindi kalayuan sa pinagholdapan kina Crusado.

Nagsasagawa naman ng masusing imbestigasyon ang pulisya upang matukoy ang grupo na responsable sa mga insidente. (Edwin Balasa)

vuukle comment

CONCEPCION DOS

EDWIN BALASA

EVERLASTING ST.

FRANCISCO ALMARIEGO

GAUDENCIO CRUSADO

GERALDINE BEATRIX

JAIME TRINIDAD

MARIKINA CITY

ROSENDO CAINOY

SUZUKI CARRY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with