Lider ng Magdalo, nakapuga
December 15, 2005 | 12:00am
Nakatakas mula sa kanyang mga escort ang isa sa mga hardcore leader ng Magdalo Group na naglunsad ng pag-aaklas sa Qakwood Premier Hotel noong Hulyo 27, 2003 sa Makati City.
Kinumpirma ng isang opisyal ng Intelligence Service of the Armed Forces of the Philippines (ISAFP) ang pagkakatakas ni Marine Capt. Nicanor Faeldon dakong alas 9:45 ng umaga matapos na ipagpaliban ng Makati City Regional Trial Court ang pagdinig sa kasong kudeta na isinampa laban sa mga junior officers na sangkot sa Oakwood mutiny.
Sinabi ng opisyal na papasakay na sa convoy nang magpaalam si Faeldon na bibili ng prutas sa bisinidad ng Makati subalit hindi na ito bumalik.
Isang malawakang manhunt operation naman ang isinasagawa laban kay Faeldon.
Maliban sa kasong kriminal nahaharap din sa General Court Martial ang mga Oakwood mutineers kaugnay ng paglabag sa Articles of War 96 Conduct Unbecoming an officer and a Gentleman at AW 97 conduct prejudicial to good order and military discipline.
Matatandaan na kasama ni Faeldon sa pag-aaklas sina Navy Lt. Sr. Grades Antonio Trillanes IV at James Layug gayundin si Marine Capt. Gary Lejano.
Sa statement naman ni Faeldon, sinabi nito na ang krisis sa bansa ay patunay lamang na corrupt at walang awa si Pangulong Arroyo at gagawin nito ang lahat upang manatili sa puwesto.
"Tinangka rin ng pamahalaan at ng militar na sirain ako sa akusasyong tumatanggap ako ng pera," dagdag pa ni Faeldon.
"This early I swear: I will not accept any position in the government, either in this one or the next. There is no reward for me in this fight except the knowledge that should I die, I die in peace, for I am fighting for our people and our country," ani Faeldon. (Joy Cantos)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended