^

Metro

Sawa nagkanlong sa police station

-
Nagulantang ang mga pulis ng Manila Police District (MPD) matapos na pumalag sa kanila ang isang may dalawang metrong sawa at mistulang piliin na bahay niya ang istasyon ng pulisya sa Sta. Cruz. Maynila kahapon ng madaling araw.

Nabatid na dakong alas-6 ng umaga nang makita ng isang lalaki ang sawa (phyton) na nakalambitin sa fire exit ng Roben Theater sa may panulukan ng Avenida at Recto Avenue sa naturang lugar.

Hinuli naman ito ng mga barangay tanod sa naturang lugar at ibinigay sa kustodiya ng MPD-Station 3.

Natakot umano ang sawa sa ilaw ng camera ng isang television crew na nagkokober sa insidente at nagawang makapiglas sa pagkakahawak ng mga nakahuli.

Dumiretso sa loob ng station desk kung saan nahintakutan naman ang naka-duty na pulis dahil sa halatang gutom na ito..

Nagawa lamang muling mahuli ang ahas nang isakripisyo ng mga pulis ang kanilang station desk matapos na kanilang wasakin ito upang mapalabas ang sawa.

Matapos mahuli ipinasa na sa pangangalaga ng Manila Zoo ang naturang sawa. (Danilo Garcia)

vuukle comment

CRUZ

DANILO GARCIA

DUMIRETSO

HINULI

MANILA POLICE DISTRICT

MANILA ZOO

MATAPOS

MAYNILA

RECTO AVENUE

ROBEN THEATER

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with