19 katao sugatan sa pagsabog
December 14, 2005 | 12:00am
Labing-siyam na katao ang nasugatan makaraang masabugan ng isang granada matapos umanong magtalo ang pitong vendors na pawang mga taga-Maguindanao at Maranao, kamakalawa ng gabi sa Muntinlupa.
Nakilala ang mga nasugatan na sina Giovanni Carbonell; Gonting at Nora Sankupan; Madid Khalid; Ragdaing Sabdulah; Abduahhab Parhan: Pangaga Saripuda; Mante Jampar; Lawa Panda; Kalib Magdaui; Jadjara Sangkupan; Akmad Sirid; Mark Lao; Arnais Reyes; Janeth Ramos; Oscar Vargas; Antolin Villasista; Raquel Taylan at Reynaldo de Jesus.
Samantala sa isinagawang follow-up operation ng pulisya isa sa pitong suspect ang nadakip at ito ay nakilalang si Sansudin Mocalid, taga-Maharlika Village, Taguig City.
Sa imbestigasyon ng pulisya, naganap ang insidente dakong alas-8:45 ng gabi sa harapan ng Seven Eleven Convenient Store sa Brgy. Alabang, Muntinlupa City.
Nabatid na nagkaroon ng mainitang pagtatalo ang mga suspect sa hindi malamang dahilan,
Sa gitna ng mainit na komprontasyon ay bigla na lamang nagkaroon nang pagsabog sa naturang lugar na nagresulta ng pagkasugat ng 19 na biktima. Isinugod ang mga ito sa Alabang Medical Clinic, San Roque Clinic ar Ospital ng Maynila.
Narekober sa pinangyarihan ang ginamit na pampasabog ng mga suspect na isang improvised pold apple grenade. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended