4 katao inarmalayt
December 13, 2005 | 12:00am
Apat katao ang nasawi, habang isa pa nilang kapitbahay ang nasugatan matapos na paulanan ng bala ng hindi nakikilalang mga salarin habang masayang nag-iinuman sa loob ng isang compound, kahapon ng madaling-araw sa Parañaque City.
Nakilala ang mga nasawi na sina Arvin Factor, 30; ang kapatid nitong si John Allen Factor, 29; pinsan na si John Bismark Chan, 29, na pawang naninirahan sa 346 Factor Compound, A. Quirino Avenue, Dongalo, Parañaque City at Sherwin Franco, 32, ng Valenzuela City.
Ang mga nabanggit ay hindi na umabot nang buhay makaraang isugod sa San Juan de Dios Hospital sanhi ng tinamong mga tama ng bala ng baril sa katawan.
Samantala, nasa kritikal namang kalagayan si Jerome Garcia, 24, residente sa nabanggit na compound na nahagip ng ligaw na bala makaraang ratratin ng hindi nakikilalang mga suspects ang grupo ng mga biktima.
Ayon kay Senior Inspector Glen Ticson, ng Parañaque Police na dakong ala-1:30 ng madaling-araw nang maganap ang naturang insidente habang ang mga biktima ay masayang nag-iinuman.
Matapos isagawa ang pamamaril, nagpulasan ang mga suspect at nagsitakbo sa ibat ibang direksyon palabas ng compound dala ang kanilang mga armas.
Patuloy naman ang isinasagawang imbestigasyon ng pulisya para alamin kung ano ang motibo sa isinagawang pamamas- lang sa mga biktima. (Lordeth Bonilla at Edwin Balasa)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended