Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri na may mahigit sa 1,000 aso pa ng lungsod ang nakatakdang maiiniksyunan sa mga susunod na araw kaugnay sa nasabing programa.
Nabatid sa ulat na nagbigay sa lungsod ang Rotary Club ng 1,000 doses ng anti-rabies vacine upang magamit sa mga aso ng mga residente ng Caloocan City.
Ayon sa mga dalubhasa, ang rabies ay isang sakit na dulot ng virus na matatagpuan sa laway ng mga apektadong hayop at maaaring maisalin sa ibang alaga at tao sa pamamagitan ng kagat o kontaminasyon sa isang bukas na sugat. Kapag hindi agad nagamot, ang rabies ay magdudulot ng kamatayan.
Hinimok rin ang mga residente na alagaang mabuti ang kanilang mga aso at huwag hayaang gumala sa kalye dahil maaari silang mahawa sa ibang aso na may rabies.
Ang Pilipinas ay pang-apat sa pinakamaraming kaso ng rabies sa buong mundo. (Rose Tamayo)