^

Metro

310 aso sa Caloocan binakunahan

-
May 310 aso ang nabenipisyuhan sa isinagawang libreng anti-rabies vaccination program na isinagawa ng Rotary Club Sampaguita Grace Park at City Veterinary Office ng Caloocan City.

Ayon kay Caloocan City Mayor Enrico "Recom" Echiverri na may mahigit sa 1,000 aso pa ng lungsod ang nakatakdang maiiniksyunan sa mga susunod na araw kaugnay sa nasabing programa.

Nabatid sa ulat na nagbigay sa lungsod ang Rotary Club ng 1,000 doses ng anti-rabies vacine upang magamit sa mga aso ng mga residente ng Caloocan City.

Ayon sa mga dalubhasa, ang rabies ay isang sakit na dulot ng virus na matatagpuan sa laway ng mga apektadong hayop at maaaring maisalin sa ibang alaga at tao sa pamamagitan ng kagat o kontaminasyon sa isang bukas na sugat. Kapag hindi agad nagamot, ang rabies ay magdudulot ng kamatayan.

Hinimok rin ang mga residente na alagaang mabuti ang kanilang mga aso at huwag hayaang gumala sa kalye dahil maaari silang mahawa sa ibang aso na may rabies.

Ang Pilipinas ay pang-apat sa pinakamaraming kaso ng rabies sa buong mundo. (Rose Tamayo)

ANG PILIPINAS

AYON

CALOOCAN CITY

CALOOCAN CITY MAYOR ENRICO

CITY VETERINARY OFFICE

ECHIVERRI

ROSE TAMAYO

ROTARY CLUB

ROTARY CLUB SAMPAGUITA GRACE PARK

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with