Van ni Cong. Puno pinasabog
December 8, 2005 | 12:00am
Pinasabog ng mga hindi nakikilalang suspect ang sasakyan ni Antipolo 2nd District Congressman Ronaldo Puno habang nakaparada sa labas ng kanyang bahay sa Greenmeadows Subdivision, Quezon City.
Bagamat hindi gaanong napinsala, iniimbestigahan pa rin ng pulisya ang pagpapasabog sa Sangyong van ni Puno na may plakang WBX-383 habang naka-park sa tapat ng bahay ng mambabatas sa 18 Greenmeadows Avenue, sa Quezon City. Si Puno ay pangulo ng Kabalikat ng Malayang Pilipino. (KMP).
Ayon naman kay QCPD director Chief Supt. Nicasion Radovan Jr. naganap ang insidente dakong alas-11:30 ng umaga. Hindi pa matukoy ng pulisya kung sino ang posibleng gumawa nito at kung ano ang kanilang motibo.
Lumilitaw na isang improvised bomb ang itinanim sa tapat ng fuel tank ng sasakyan na sumabog, gayunman hindi naman nadamay ang iba pang sasakyan.
Samantala, pinasabog din ang sasakyan ng isang Tsinoy kahapon ng umaga sa Caloocan City.
Sa ulat dakong alas-10:30 ng umaga nang sumabog ang Toyota Prado na may plakang XDN- 723 na pag-aari ni Jonathan Lim, 39, sa harapan ng Ernest Printing na matatagpuan sa 28 M.H. del Pilar, Grace Park, ng nasabing lungsod.
Ayon kay Lim ipinarada niya ang kanyang kotse sa naturang lugar at makalipas ang kalahating oras ay bigla na lamang itong sumabog sa ilalim na parte ng hulihang gulong ng sasakyan.
Nabatid na nakakuha ang pulisya sa pinangyarihan ng insidente ng isang cellphone na siyang ginamit na timing device ng bomba. (Doris Franche at Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended