Edu nanakal ng bagets
December 7, 2005 | 12:00am
Nahaharap sa kasong physical injuries at child abuse ang aktor at chairman ng Optical Media Board (OMB ) na si Edu Manzano matapos umano nitong sakalin ang isang 14-anyos na batang lalaki dahil nabastusan at nagalit ang una nang tawagin ang kanyang pangalan ng huli na naganap sa isang shopping mall sa Makati City.
Nakilala ang biktima na si Rafaello de Leon, ng 90 J.P. Rizal St., Calumpang, Marikina City.
Sa reklamo kahapon ng ama ng biktima na si Mario de Leon, sa Makati City Police Complaint Desk, naganap ang insidente dakong alas-2 ng hapon sa Rockwell Mall, Rockwell Center, J.P. Rizal, Makati City.
Habang dumadaan sa harapan ng biktima si Manzano ay natuwa ang binatilyo kung kayat paulit-ulit na tinawag nito ang pangalan ng aktor.
Ngunit nagalit si Manzano at nilapitan niya ang bata hanggang sa sinakal niya ito.
Matapos ang insidente agad na sinamahan ni Mario ang anak sa pulisya at doon inireklamo si Manzano.
Nabatid na may bakat ng sakal ang leeg ng bata.
Sinisikap ng pulisya na kunan ang panig ng naturang aktor.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 26, 2024 - 12:00am