3 pa kinasuhan sa Nida Blanca murder
December 6, 2005 | 12:00am
Tatlong akusado ang idinagdag ng Department of Justice (DoJ) sa kasong brutal na pagpatay sa beteranang aktres na si Nida Blanca.
Sa ipinalabas na 23-pahinang resolution ng DoJ, isinama sa kasong murder sina Ret. General Galileo Kintanar bilang accessory sa kaso, ang kaibigan ng aktres na si Elena dela Paz bilang accomplice at si Mike Martinez bilang principal accused.
Pinagbatayan ng panel na nagsagawa ng imbestigasyon sa nasabing kaso ay ang umanoy pagtutugma ng pahayag ng mga witnesses na sina Ronnie Francisco at Andrada "Anji" Dalandas kung saan kapwa umano nakilala ng mga ito sina Martinez at dela Paz ng gabing dalhin si Blanca sa 6th floor-parking area ng Atlanta Centre.
Habang si Martinez naman ay nabigo umanong magsumite ng kanyang counter-affidavit kung saan hudyat na isinusuko na nito ang karapatan na magbigay ng kanyang panig laban sa kasong isinampa laban sa kanya.
Gayunman, hindi nasiyahan ang kampo ng anak ni Blanca na si Kay Torres kayat "uminit ang ulo" nito sa naging resolution ng DoJ kung kayat maghahain ang abogado nito na si Atty. Harriet Demetriou ng motion upang mabago ang ilang bahagi ng resolution.
Kinuwestiyon din ni Demetriou ang pagiging accessory ni Kintanar sa nabanggit na kaso dahil dapat umano na kasama ito sa mga principal accused dahil tao nito si Philip Medel at ito pa ang bumili ng sasakyan upang gamitin sa pagsubaybay kay Blanca.
Aniya, nakakapagtaka rin umano na nakasama sa kaso si dela Paz dahil lamang sa testimonya ng isang testigo habang si Kintanar ay napakarami umanong nagpapatunay na sangkot ito sa naturang kaso.
Hiniling pa rin ng kampo ni Torres na buwagin na lamang ang panel na itinalaga ng prosecution dahil sa hindi umano patas ang ipinalabas na resolution.
Sinabi naman ni Justice Secretary Raul Gonzalez na pag-aaralan niya ang motion at kahilingan ng kampo ni Torres at aaksiyunan kung mayroong mabigat na ebidensiya.
Una nang sinampahan ng kasong murder sa Pasig City Regional Trial Court (RTC) ang asawa ng nabanggit na aktres na si Rod Lauren Strunk at Philip Medel makaraang aminin ng huli na siya ang responsable sa pagpatay kay Blanca. (Grace Amargo dela Cruz)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest