^

Metro

Raid sa surplus shop, kinuwestiyon

-
Kinuwestiyon ng mag-asawang negosyante ang umano’y pagsalakay ng mga tauhan ng Quezon City Police District (QCPD) kung saan ikinulong sila at kinumpiska ang kanilang mga ibinebentang second hand o surplus car spare parts mula sa kanilang display store at warehouse sa BMA Ave. Brgy. Tatalon, Quezon City.

Sa pamamagitan ng kanilang abogadong si Atty. Josue Engano, kinasuhan na ng mag-asawang Julian at Precy Chica ang mga pulis na nag-raid sa J.P. Chicas Auto Surplus Supplies noong Nobyembre 21 sa no. 42 BMA Ave.

Ayon sa mga ito, may mga papeles sila sa pagtitinda ng spare parts kung kaya’t hindi makatwiran na ihanay sila ng mga pulis sa mga "illegitimate business".

Nabatid na nakulong ang mag-asawa ng tatlong araw kasama ang kanilang driver kung kaya’t sasampahan nila ang mga pulis ng administrative at criminal case sa Office of the Ombudsman. (Doris Franche)

AYON

BRGY

CHICAS AUTO SURPLUS SUPPLIES

DORIS FRANCHE

JOSUE ENGANO

OFFICE OF THE OMBUDSMAN

PRECY CHICA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with