^

Metro

US Embassy nasunog

-
Hindi tumagal ang sunog sa loob ng US Embassy dahil sa maagap na pagresponse ng mga pamatay-sunog sa Ermita, kahapon ng hapon.

Sa report ni SFO1 Wilson Tana, ng Manila Fire Dept., dakong ala-1:25 ng hapon nang magsimula ang sunog sa loob ng isang opisina ng Marine Gym sa compound ng embassy sa kahabaan ng Roxas Blvd. sa Ermita.

Isang di-nagpakilalang empleyado ng embassy ang nakaamoy na mayroong nasusunog kaya agad nitong ipinagbigay-alam sa mga nakatalagang security personnel na naireport naman sa Manila Fire Department.

Bagamat pinapasok ang mga kagawad ng pamatay-sunog sa loob ng embassy, limitado naman ang galaw ng mga fire investigator at tanging mopping operations lamang ang isinagawa.

Ganap na ala-1:50 nang ideklarang fire out ang sunog.

Hinihintay naman ng mga fire investigator ang clearance mula sa mga opisyales ng US Embassy sa pag-iimbestiga kung ano ang dahilan ng sunog bilang bahagi ng standard operating procedure ng embahada. (Gemma Amargo-Garcia)

BAGAMAT

ERMITA

GANAP

GEMMA AMARGO-GARCIA

HINIHINTAY

MANILA FIRE DEPARTMENT

MANILA FIRE DEPT

MARINE GYM

ROXAS BLVD

WILSON TANA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with