^

Metro

12-anyos binoga dahil sa utang

-
Nasa bingit ng kamatayan ang isang 12-anyos na batang lalaki matapos na barilin ng tatlong suspect dahil sa umano’y hindi pagbabayad ng utang sa Pandacan, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Nakilala ang biktima na si Roberto Tomas, alyas Kapidoy, ng 34 Obesis St. Pandacan, Maynila na kasalukuyang ginagamot sa Philippine General Hospital sanhi ng tama ng bala sa likod ng ulo.

Inaalam naman ang pagkakakilanlan sa tatlong suspect na tumakas matapos ang insidente dala ang di malamang kalibre ng baril.

Sa ulat ni Det. Joselito de Ocampo, ng MPD-Homicide Division na dakong alas-10:30 ng gabi nang maganap ang insidente sa may Pres. Quirino Avenue ng naturang lugar.

Sinasabing naglalakad ang biktima kasama ang isang Jomar Flores nang makasalubong nila ang mga suspect.

Kinompronta umano ng isa sa suspect ang biktima at sinabing "Kapidoy, magbayad ka na ng utang mo."

Subalit hindi umano pinansin ng biktima ang suspect at ang ginawa ay mabilis na tumakbo.

Hinabol naman ito ng mga suspect at pagsapit sa nabanggit na lugar ay walang sabi-sabing binaril ang biktima na ngayon ay nasa kritikal na kondisyon. (Gemma Amargo-Garcia)

vuukle comment

GEMMA AMARGO-GARCIA

HINABOL

HOMICIDE DIVISION

JOMAR FLORES

KAPIDOY

MAYNILA

OBESIS ST. PANDACAN

PHILIPPINE GENERAL HOSPITAL

QUIRINO AVENUE

ROBERTO TOMAS

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with