Banko sa Valenzuela hinoldap
December 3, 2005 | 12:00am
Hinoldap ng apat na armadong kalalakihan ang isang banko sa lungsod ng Valenzuela kung saan nakatangay ang mga ito ng P.2 milyon cash, kahapon ng umaga.
Sa inisyal na ulat ng pulisya, ang sinalakay na banko ay ang Banco de Jesus na matatagpuan sa McArthur Highway sa kanto ng Manotoc at Don Pedro St., Marulas ng nabanggit na lungsod.
Napag-alaman na armado ng kalibre. 45 baril ang mga suspect at nakasuot ng barong na short sleeves kasama ang isang babae.
Ayon sa ulat, dakong alas-11 ng umaga nang pasukin ng mga suspect ang bangko na nagkunwaring kliyente. Kasama ang kasabwat na babae nakipagtransaksyon pa kunwari ang mga ito sa mga empleyado sa banko. Ilang minuto lang ang nakalipas ay agad na nagdeklara ng holdap ang mga ito. Kinulimbat ang cash sa bangko at saka mabilis na nagsitakas.
Bagamat may dalang get-away vehicle na hindi nakuha ang plaka ang ilan sa kanilang kasamahan ay sumakay sa isang pampasaherong bus sa kanilang pagtakas.
Wala umanong nakatalagang sekyu sa banko kaya madaling nakapasok ang mga suspect. (Ricky Tulipat)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 11, 2024 - 12:00am