^

Metro

Hit and run: PSN staffer grabe, misis patay

-
Isang manhunt operation ang inilunsad ng mga awtoridad sa isang driver ng Five Star Bus makaraang salpukin nito ang motorsiklong sinasakyan ng isang empleyado ng Pilipino Star Ngayon (PSN) at ng misis nito na ikinasawi ng huli, kamakalawa ng gabi sa Makati City.

Nakilala ang pinaghahanap na suspect na si Juanito dela Cruz, driver ng Five Star Tourist Bus na may body number 830 at may plakang TVW-158.

Nasawi sa insidente si Dovely Joy Coquilla, 21, habang sugatan naman ang mister nitong si Remehio Coquilla, 24, nakatalaga sa Advertising Department ng PSN na ginagamot ngayon sa San Juan de Dios Hospital at naninirahan sa Gamban, Cabrera, Pasay City.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO2 Mandy Domingo ng Southern Police District, Traffic Management Unit naganap ang insidente dakong alas-9 ng gabi sa North Bound Lane ng Magallanes Interchange sa Makati City.

Napag-alaman na magkaangkas ang mga biktima sa motorsiklo at habang binabagtas ang lugar patungo sa isang concert ay hindi namalayan ng mga ito ang rumaragasang paparating na bus na minamaneho ni dela Cruz at sinalpok ang mga biktima.

Sinasabing tumilapon si Dovely Joy at napailalim ito sa gulong ng bus na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

ADVERTISING DEPARTMENT

CRUZ

DIOS HOSPITAL

DOVELY JOY

DOVELY JOY COQUILLA

FIVE STAR BUS

FIVE STAR TOURIST BUS

LORDETH BONILLA

MAGALLANES INTERCHANGE

MAKATI CITY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with