^

Metro

6 na extortionist tiklo ng ISAFP

-
Anim na extortionist na nagpapanggap na rebeldeng New People’s Army (NPA) ang inaresto ng mga elemento ng Intelligence Service ng AFP matapos na mangikil ng P.1 milyon sa tanggapan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa entrapment operation sa Sta. Cruz, Manila.

Ayon kay AFP Public Information Office chief Col. Tristan Kison ang mga nasakoteng suspect ay pinamumunuan ni Noel Bautista Santos na nagpakilala sa pangalang Sergio Romero.

Ang alyas na Sergio Romero ay siyang ginamit ng napatay na si dating Alex Boncayao Brigade (ABB) Chieftain Romulo Kintanar noong kasagsagan ng nasabing rebel faction ng NPA noong dekada 80 hanggang sa kalahatian ng dekada ’90.

Nabatid kay Kison na isinagawa ang operasyon matapos na humingi ng tulong sa ISAFP ang mga opisyal ng DSWD hinggil sa umano’y pangingikil sa kanilang tanggapan ng mga rebeldeng NPA ng P100,000 at saku-sako ng relief goods.

Ang nasabing halaga ay ipinadedeliber ni Santos sa bisinidad ng terminal ng Phil. Rabbit Bus sa Avenida, Rizal at kung hindi maibibigay ay magsasagawa umano sila nang pananabotahe sa mga proyekto ng DSWD.

Inihayag pa umano ni Santos na ang nasabing relief goods ay gagamitin ng kanilang mga kasamahan na nakasagupa ng militar sa Quezon kaugnay ng inilunsad na opensiba ng mga sundalo sa lalawigan.

Bandang alas-4 ng hapon kamakalawa ng pumoste sa lugar ang mga elemento ng ISAFP at nasakote ang mga suspect habang tinatanggap ang mark money mula sa isang empleyado ng DSWD at inilululan ang mga relief goods sa isang nakaparadang Mercedez Benz na mau UTW-376 na may back-up pang isang Besta van na may plakang TYYD-761. (Joy Cantos)

ALEX BONCAYAO BRIGADE

CHIEFTAIN ROMULO KINTANAR

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

INTELLIGENCE SERVICE

JOY CANTOS

MERCEDEZ BENZ

NEW PEOPLE

NOEL BAUTISTA SANTOS

SERGIO ROMERO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with