Lider ng carjack gang, timbog
December 2, 2005 | 12:00am
Naaresto ng pulisya ang isang lider ng isang sindikato ng carnapping nang salakayin ang hide-out ng mga ito kahapon ng tanghali sa Malabon City.
Kasalukuyang nakakulong si Danilo Imutan, 35, ng Hito St., ng nasabing lungsod kung saan nakatakas naman ang tatlong kasamahan nito na nakilala lamang sa alyas na "Emboy", "Ivan" at "Jun".
Si Imutan ang sinasabing lider ng Dandan Group na nag-ooperate sa Metro Manila at kalapit lugar.
Ayon sa ulat, dakong alas-11:45 ng tanghali nang salakayin ng pulisya ang hide-out ng mga suspect malapit sa bahay ng naaresto.
Nabatid na nakatanggap ng impormasyon ang pulisya hinggil sa ilegal na gawain ng mga suspect kung saan nang matiyak na positibo ang ibinigay na impormasyon ay agad na sinalakay ang kuta ng mga ito na nagresulta sa pagkaaresto kay Imutan.
Narekober sa suspect ang isang motorsiklo na pag-aari ng isang nagngangalang Racquel Ramos ng Bacoor, Cavite. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 10, 2025 - 12:00am