Taiwanese gun smuggler arestado
December 1, 2005 | 12:00am
Nakapuntos ang National Bureau of Investigation (NBI) laban sa drug smuggling matapos na isang Taiwanese na hinihinalang big-time supplier ng mga ilegal na baril ang kanilang nadakip sa isang pagsalakay sa Makati City, kamakailan.
Kinilala ni NBI Assistant Director Nestor Mantaring ang mga nadakip na sina Chen Tung Hsing, alyas Salute Chen, 51, ng Orbit St., Bel Air 2, Makati.
Nabatid na nakatanggap ang NBI-Criminal Intelligence Division ng isang impormasyon ukol sa ilegal na operasyon nina Chen at kasabwat nitong Tseng Feng Tung na hinihinalang nagbabagsak at nagbebenta ng mga baril sa loob ng kanilang bahay.
Agad na nagsagawa ng surveillance operation ang NBI sa naturang bahay kung saan nakumpirma nila ang iligal na operasyon. Sinalakay ang bahay ng suspect sa bisa ng search warrant na inisyu ni Judge Antonio Eugenio ng Manila Regional Trial Court Branch 24.
Nasamsam sa loob ng bahay ang ibat-ibang uri ng baril at mga bala. Bukod dito nakasamsam din ng 10 kahon ng drogang ketamine, marijuana, at ibat-ibang drug paraphernalias. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended