P15-M ari-arian naabo sa sunog
December 1, 2005 | 12:00am
Tinatayang nasa P15 milyong halaga ng mga ari-arian ang naabo makaraang lamunin ng apoy ang humigit-kumulang sa 20 commercial at residential establishments na umabot sa Task Force Echo na naganap sa loob ng apat na oras, kahapon ng umaga sa Parañaque City.
Sa inisyal na imbestigasyon ng Parañaque City Fire Department, nagsimulang kumalat ang apoy na mula sa lutuan ng Julies Bakeshop sa may ikalawang palapag ng gusaling pag-aari ni Antonio Virina, matatagpuan sa panulukan ng Kabihasnan at Quirino Avenue, Brgy. San Dionisio, Parañaque City dakong alas-5:45 ng umaga.
Hanggang sa nadamay ang kalapit na mga establisimiyento at walong pinto ng apartment.
Iniimbestigahan pa ng mga awtoridad kung ang pinagmulan nito ay sanhi ng faulty electrical wiring o sumabog na lutuan. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
January 13, 2025 - 12:00am