^

Metro

Lalaki iniwan ng misis, tinangkang silaban ang sarili

-
Isang 27-anyos na lalaki ang nagtangkang magpakamatay nang buhusan nito ang buong katawan ng gasolina at saka tinangkang silaban makaraang iwanan ng kanyang misis kasama ang apat na buwang gulang na anak, kahapon ng umaga sa Pasay City.

Bagamat nailigtas sa tiyak na kamatayan, nakakulong ngayon at nahaharap sa kasong alarm scandal ang suspect na si Reynaldo Villanueva. ng 35 Tripa de Galina St., Pasay City.

Sa imbestigasyon ng pulisya naganap ang insidente dakong alas-9 hanggang alas-11 ng umaga sa nabanggit na lugar.

Nadiskubre ng suspect na iniwan ito ng kanyang misis na nakilalang si Gina Tan kasama ang kanilang sanggol makaraang bawiin ng kanyang biyenan.

Hindi nakayanan ng lalaki ang kalungkutan kung kaya’t tinangka nitong wakasan ang buhay. Kumuha ito ng gasolina na ipinaligo sa buong katawan, tangka na nitong silaban ang katawan ng makaresponde agad ang mga pulis.

Hindi pa agad naawat si Villanueva na hinostage ang sarili at tinakot ang mga pulis na kapag lumapit ay tuluyan niyang sisilaban ang sarili.

Subalit makalipas ang ilang oras na negosasyon ay napahinuhod din si Villanueva na sumuko sa pulisya. (Lordeth Bonilla)

BAGAMAT

GALINA ST.

GINA TAN

ISANG

KUMUHA

LORDETH BONILLA

NADISKUBRE

PASAY CITY

REYNALDO VILLANUEVA

VILLANUEVA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with