^

Metro

Meningo positibong ikinamatay ng ginang sa Pasay Hospital

-
Kinumpirma kahapon ng pamunuan ng Pasay City General Hospital (PCGH) na meningococcemia ang ikinamatay ng isang 35-anyos na ginang.

Ayon kay Dr. Lito Mangonan, direktor ng nabanggit na ospital, dahil sa mga sintomas na naramdaman nito, positibo sa meningococcemia ang biktimang si Marjori Florano.

Kaya naging negatibo lamang aniya ang lumabas na laboratory test na isinagawa sa San Juan de Dios Hospital ay dahil sa ibinigay nitong anti-biotic.

Sa kanilang pagsusuri kay Florano, positibo itong dinapuan ng naturang nakatatakot na sakit.

Gayunman, sinabi ni Mangonan na walang dapat ipangamba ang publiko dahil nagawa na nilang mapigilan ang posibleng paglaganap ng naturang sakit.

Nanawagan ito sa publiko na huwag mag-panic dahil hindi na aniya ito makakahawa sa iba pang pasyente.

Matatandaan na kamakailan ay pansamantalang sinuspinde ang operasyon sa Pasay City General Hospital dahil sa pagkasawi ng kanilang pasyente ngunit pagkaraan ng isang araw ay bumalik na ito sa normal.

Maging ang kalapit na mga paaralan nito na St. Mary’s Academy at Sta. Clara School ay pansamantalang sinuspinde ang klase dahil sa matinding pagkaalarma sa posibleng pagkalat ng nabanggit na sakit. (Lordeth Bonilla)

AYON

CLARA SCHOOL

DAHIL

DIOS HOSPITAL

DR. LITO MANGONAN

LORDETH BONILLA

MARJORI FLORANO

PASAY CITY GENERAL HOSPITAL

SAN JUAN

ST. MARY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with