^

Metro

Bitay sa 3 Chinese drug lord

- Edwin Balasa -
Parusang kamatayan ang ipinataw ng Pasig Regional Trial Court (RTC) sa tatlong drug lord na pawang mga Chinese national na kanilang naaresto sa pagtutulak ng mahigit 500 gramo ng shabu, apat na taon na ang nakalipas.

Sa 18-pahinang desisyon ni Pasig RTC Judge Leoncio Janolo Jr. Branch 264, hinatulan niya ng kamatayan ang mga akusadong sina Ronald Yao, Wen Jin Cai at Chua Lin Yen matapos na maaresto sa pagtutulak ng 548.4 gramo ng shabu.

Subalit tila mababalewala ang nasabing desisyon dahil pinayagang makapagpiyansa ni Janolo ng P200,000 kada isa ang mga akusado noong taong 2003 dahil sa ilang teknikalidad diumano ng mga umarestong awtoridad.

Lumalabas sa rekord ng korte na noong Nobyembre 6, 2001 ay nagsagawa ng buy-bust operation ang mga tauhan ng Regional Operation Special Office (RISO) na pinangungunahan ni Sr. Supt. Federico Laciste Jr. sa loob ng Nipa Hut Restaurant sa Brgy. Oranbo ng lungsod na ito.

Matapos na makabili ng halagang P4,000 shabu kay Yao ay agad na naglabasan ang mga operatiba subalit nakatunog ang mga akusado kaya mabilis na tumakas sakay ng kanilang kotse subalit agad na nasakote ang mga ito nang mapalibutan ng pulisya sa Mantrade Bldg. sa kahabaan ng EDSA, Makati City at nakuha sa sasakyan ng mga ito ang dalawang plastic bag ng shabu na umaabot sa 548.4 gramo.

Ilang oras matapos maaresto ang mga akusado ay agad namang ni-raid ng mga awtoridad ang shabu laboratory ng mga ito sa #44 San Agustin St., Capitol Subd., Brgy. Kapitolyo, ng lungsod na ito kung saan nadakma sa loob nito ang 5 Chinese national na chemist na nauna na ring hinatulan ng habambuhay ni Janolo.

vuukle comment

BRGY

CAPITOL SUBD

CHUA LIN YEN

FEDERICO LACISTE JR.

JANOLO

JUDGE LEONCIO JANOLO JR. BRANCH

MAKATI CITY

MANTRADE BLDG

NIPA HUT RESTAURANT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with