2 natusta sa Christmas light
November 29, 2005 | 12:00am
Dalawa katao kabilang ang isang 8-anyos na bata ang namatay matapos na masunog nang umapoy ang depektibong Christmas light kahapon ng madaling araw sa Quezon City.
Dead on the spot ang mga biktimang sina Mariano Tagoba, Grade 2 pupil at Justo Peligrino, 31, fire volunteer at security guard ng ABS-CBN kapwa residente ng Eagle St., Sitio 4 San Mateo Road, Brgy. Batasan, Hills Quezon City.
Sa report ng Quezon City-Bureau of Fire Protection, nagsimula ang sunog dakong alas-5:40 ng madaling araw at na-fire-out matapos ang halos dalawang oras.
Bigla na lamang umanong sumiklab ang apoy mula sa Christmas light na nakakabit sa poste ng Meralco hanggang sa mabilis na kumalat sa kabahayan.
Nabatid na nakulong sa bahay si Tagoba kung kayat nasunog ito samantalang nabagsakan naman ng live wire habang tumutulong sa pag-apula ng apoy si Peligrino.
Nagsasagawa naman ng mopping operation ang mga tauhan ng BFP upang malaman ang halaga ng pinsala ng sunog. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended