^

Metro

Buntis patay, ka-live-in grabe

-
Nasawi ang isang buntis na babae habang inoobserbahan naman ang live-in partner nito nang barilin ng hindi pa nakikilalang suspect na pumasok sa kanilang bahay sa Tondo, Maynila.

Tatlong tama ng bala sa katawan ang ikinasawi ni Maricel Dugos, 22, ng Blk. 9 Tambakan, Baseco Compound, Tondo habang nasa kritikal na kondisyon naman sa ospital ang live-in partner na si Redan Uy, 24. Nadamay din ang 7-buwang gulang na sanggol sa sinapupunan ni Dugos.

Hindi naman makakuha ng impormasyon sa mga kapitbahay ang pulisya laban sa suspect dahil na rin sa takot.

Batay sa ulat ng MPD-Homicide Section, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi sa bahay ng biktima.

Una rito, nakita ang biktima na nakikipagtalo sa isang nagngangalang Beth na isang Muslim at makalipas ang ilang minuto ay pumasok na ito sa kanyang bahay.

Dito naman biglang pumasok ang isang hindi pa nakikilalang suspect at walang sabi-sabing pinagbabaril ang mga biktima.

Hinihintay na lamang ng pulisya na magkamalay si Uy upang maibigay ang deskripsiyon ng suspect. (Danilo Garcia)

vuukle comment

BASECO COMPOUND

BATAY

DANILO GARCIA

DITO

DUGOS

HINIHINTAY

HOMICIDE SECTION

MARICEL DUGOS

MAYNILA

REDAN UY

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with