Sa ikatlong taon ay muling pinatunayan ni Castelo na karapat-dapat siyang gawaran ng parangal dahil sa kanyang mga proyektong para sa mga mahihirap na residente ng lungsod. Unang tumanggap ng parangal si Castelo noong taon 2003 at 2004.
Isa dito ay ang "Bahay at Hanapbuhay Program" na naglalayong mabigyan ng maayos na tirahan ang mga maliliit na residente at kanilang ikabubuhay.
Nabatid na si Castelo din ang may akda ng pagbabagong anyo ng QC Memorial Circle na inaprubahan naman ni QC Mayor Sonny Belmonte upang mas lalo pang mapalakas ang turismo at trabaho sa lungsod. (Doris Franche)