Engr. sa BFP hiniling isuspinde
November 28, 2005 | 12:00am
Hiniling ng isang sibilyan sa pamunuan ng Bureau of Fire Protection (BFP) na isuspinde si Engr. Edwin Mejia bunga ng pagkakasangkot nito sa ibat ibang kaso kasabay na rin ng petisyon ng kanyang mga kasamahan na masibak ito sa puwesto.
Ayon kay Laurencio Yulaga, Jr. ng no. 717 Agudo St. Barangka Drive, Marikina, nagtataka siya kung bakit hanggang sa ngayon ay nakapuwesto pa rin si Mejia sa kabila ng kasong direct bribery na isinampa niya dito sa QC Prosecutors Office noong nakaraang 2003. Aniya hanggang sa ngayon ay wala pang desisyon ang korte dito.
Kamakailan ay nagsampa naman ng kaso ang negosyanteng si Johnny Tan, may-ari ng H & L Bldg. sa panulukan ng Matimyas at Sto-Tomas Sts. sa Brgy. Commonwealth laban kay Mejia nang hingan umano siya nito ng halagang P750,000.
Kasong Abuse of Authority, Conspiracy, Grave Misconduct, Graft and Corruption at Extortion ang isinampa ni Tan kay Mejia.
Lumabag umano si Tan sa building code kung kayat pinagmumulta ito ng halagang P1.5 milyon hanggang sa magkasundo sa P750,000 kapalit naman ng sertipikasyon.
Samantala, nagsampa din ng kaso sa Office of the Ombudsman ang negosyanteng si Meldy Amboy, ng 54 Sampaguita St. St. Dominic Subdivision, Cainta, Rizal na hiningan din umano ni Mejia ng pera. Kasama din sa kinasuhan nito sina Sr. Insp. Samuel Tadeo at FO3 Gerardo Santos. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest