Binata, utas sa boga at taga
November 28, 2005 | 12:00am
Isang lalaki ang binaril at tinaga ng mag-ama na kanyang kainuman kahapon ng madaling araw sa Navotas.
Namatay habang ginagamot sa Tondo General Hospital ang biktimang si Andres Dacallos, 19, binata ng Sitio Marcelo South, Navotas na nagtamo ng tama ng sumpak at taga sa katawan.
Arestado naman ang suspect na si Juanito Rarogas, Jr., 20, habang inoobserbahan naman sa Philippine General Hospital ang ama nito na si Juanito, Sr., 54.
Sa ulat ng pulisya, dakong ala-1 ng madaling araw nang maganap ang insidente habang nag-iinuman at nagkukulitan ang tatlo na humantong sa suntukan.
Natalo ng biktima ang batang suspect kung kayat kumuha ito ng itak at saka tinaga si Dacallos. Bagamat may tama nagawa ng biktima na maagaw ang itak hanggang sa gantihan nito ang batang suspect.
Subalit bigla na lamang pinaputukan ng sumpak ng matandang suspect ang biktima. Nagawa namang makaganti ng saksak ng biktima dito.
Inihahanda na ng mga awtoridad ang kaukulang kasong isasampa laban sa mag-ama. (Rose Tamayo)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended