^

Metro

Tsinoy, biktima ng holdaper, karnaper

-
Isa na namang negosyanteng Tsinoy ang nabiktima ng dalawang hindi pa nakikilalang karnaper nang tangayin ng mga ito ang sasakyan ng una kahapon ng madaling-araw sa Quezon City.

Tinangay ng mga karnaper ang Nissan Patrol na may plakang XPC-813 ni Jefferson Wang y Yu, 26, ng no. 1278 Quiricada St. Sta. Cruz, Manila dakong alas 12:45 ng madaling-araw.

Ayon sa report ni Supt. Raul Petrasanta ng QCPD-Baler Police Station, unang isinagawa ng mga suspect ang panghoholdap sa internet cafe ng biktima sa Road 1, Brgy. Pag-asa, Quezon City .

Lumilitaw na pinasok ng dalawang suspect ang establisimyento at kinuha ang dalawang cellphone, credit cards, ATM, cash money na P25,000 at kinitang P10,000 ng biktima.

Matapos ito ay agad ding ginamit na get away car ng mga suspect ang sasakyan ng biktima.

Batay naman sa deskripsiyon ng biktima, ang mga suspect ay nasa edad na 25-30, katamtaman ang mga pangangatawan at mga nakasuot ng maong pants at t-shirt.

Idinagdag ni Petrasanta na inihahanda nilang ipakita sa biktima ang photo gallery ng mga taong kanilang nahuhuli sa iba’t ibang krimen.

Sinabi ni Petrasanta na nagsasagawa na ng manhunt operation ang mga awtoridad upang madakip at nakilala ang mga salarin. (Doris Franche)

AYON

BALER POLICE STATION

DORIS FRANCHE

JEFFERSON WANG

NISSAN PATROL

PETRASANTA

QUEZON CITY

QUIRICADA ST. STA

RAUL PETRASANTA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with