Mga magsasaka, bagong board members

Nagpahayag ng kasiyahan ang may 700,000 miyembro ng Alliance of Coconut Farmers (ACF)sa pagkakatalaga ng tatlong coconut farmer leaders bilang mga board members ng United Coconut Planters Bank (UCPB) sa bansa.

Ayon kay Efren Villasenor, national president ng Pambansang Koalisyon ng mga Samahan ng Magsasaka at Manggagawa sa Niyugan (PKSMMN), malaking karangalan sa kanila ang pagkakatalaga kina Alejandroi Asis, Datu Andong, Jr. at Oscar Solidor. Ang mga ito ang kakatawan sa mga coconut farmers sa bansa.

Pinasalamatan din ng PKSMMN si Pangulong Arroyo sa suporta nito sa tatlong bagong board members ng UCPB sa layuning maisaayos ang pondo ng coco levy fund. (Doris Franche)

Show comments