Grade 6 pupil, dedo sa sagasa; 2 pa sugatan
November 27, 2005 | 12:00am
Agad na nasawi ang isang grade 6 pupil habang sugatan ang dalawa pa nitong kaklase nang salpukin ng humahagibis na pampasaherong jeep kahapon ng umaga sa Quezon City.
Dead-on-arrival sa East Avenue Medical Center ang biktimang si Julie Marquez, 12, ng Unit 5, Purok 14, Uwak St. Brgy. Commonwealth samantalang inoobserbahan naman sa nasabi ding ospital ang kaklase nito na sina Mary Grace Lagman, 12 at Sarah Mae, Torrocha, 12.
Kusang loob namang sumuko ang suspect na si Gilbert Casao, 31, driver ng pampasaherong jeep na may plakang TWB-180.
Sa imbestigasyon ng Traffic Sector 6 ng QCPD-TEG, pasado alas 10 ng umaga nang maganap ang aksidente sa kahabaan ng Elliptical Road.
Tumatawid ang mga biktima nang biglang dumating ang rumaragasang sasakyan ng suspect hanggang sa matumbok ang tatlo.
Minalas na nasawi si Marquez habang ginagamot naman sina Lagman at Torrocha. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am
November 15, 2024 - 12:00am