^

Metro

B-day boy, utas sa kumpare

-
Patay ang isang 51-anyos na lalaki nang barilin ito ng kanyang kumpare habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Hindi na umabot pa sa Amang Rodriguez Medical Hospital ang biktimang si Eduardo Valdez ng Balubad St. Brgy. Nangka habang mabilis namang nakatakas ang suspect na si Victor Sigen, 49, ng Sitio Payong, Old Balara, Quezon City.

Sa imbestigasyon ni PO2 Bueneres Cruz, naganap ang insidente dakong alas-8 ng gabi habang nagdiriwang ng kanyang kaarawan ang biktima kasama ang ilang kaibigan na nag-iinuman sa harap ng kanyang bahay.

Bigla na lamang dumating ang suspect na armado ng sumpak na may bala ng shotgun at walang sabi-sabing pinaputukan ang biktima at saka tumakas.

Lumalabas sa imbestigasyon na awayan sa lupang pinagtataniman ang motibo ng pamamaril habang nagsasagawa naman ng manhunt operation ang pulisya. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL HOSPITAL

BALUBAD ST. BRGY

BUENERES CRUZ

EDUARDO VALDEZ

EDWIN BALASA

MARIKINA CITY

OLD BALARA

QUEZON CITY

SITIO PAYONG

VICTOR SIGEN

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with