^

Metro

6 vintage bomb nahukay

- Doris Franche-Borja -
Anim na piraso ng vintage bomb ang nahukay ng mga construction worker sa isang bangketa kahapon ng umaga sa Quezon City.

Dakong alas-11:15 ng umaga nang madiskubre ang bomba sa harap ng bahay sa no.10 Granada St. Brgy. Valencia kung kaya’t agad na nilagyan ng "police line" ang lugar upang hindi lapitan ng mga residente.

Sa pahayag ng laborer na si Waldo Perez, 39, ng Bernardo Park, Kamuning, una niyang nakita ang isang lumang bomba sa lugar.

Agad niya itong ipinagbigay alam sa QCPD-Kamuning Station na mabilis namang humingi ng tulong sa Special Weapons and Tactics Team (SWAT).

Dito ay sinimulang hukayin ang lugar hanggang sa lima pang mga vintage bomb ang nakuha.

Ayon kay SPO3 Alfonso Roland Logan II ng bomb disposal unit, pawang mga Mortar 81mm ang deskripsiyon ng mga vintage bomb.

Nabatid na kayang pasabugin ng mga nakuhang bomba ang isang malaking gusali.

Lumilitaw na may nauna nang 27 vintage bomb ang nahukay sa kalapit na lugar kamakailan.

ALFONSO ROLAND LOGAN

AYON

BERNARDO PARK

DAKONG

DITO

GRANADA ST. BRGY

KAMUNING STATION

QUEZON CITY

SPECIAL WEAPONS AND TACTICS TEAM

WALDO PEREZ

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with