Klase sa 2 paaralan suspendido pa rin, kahit meningo negatibo
November 26, 2005 | 12:00am
Patuloy na sinuspinde ang klase sa dalawang pribadong paaralan na malapit sa Pasay City General Hospital (PCGH) dahil sa patuloy na pangambang pagkalat umano ng meningococcemia sa kabila na negatibo naman ang resulta nito sa nasawing ginang.
Nabatid na sinuspinde ang klase at pansamantalang itinigil ang operasyon sa St. Marys Academy at Sta. Clara School, mga paaralang malapit sa ospital na sinasabing doon namatay ang ginang na si Marjorie Florano na hininala noong una na biktima ng meningo.
Ayon naman sa mga opisyal ng Pasay City Health Department kahit pa aniya negatibo ang resulta, tatlong araw pa nila itong oobserbahan upang higit na makasiguro na hindi nga meningo ang ikinamatay ni Florano.
Kahapon din ay inilibing na ang labi ni Florano at ang lahat ng mga nakipaglibing dito ay binigyan ng anti-biotic, dahil ayon sa Pasay City Health Office sadyang naniniguro lamang ang kanilang tanggapan.
Balik na rin naman sa normal na operasyon ang PCGH at tumatanggap na ng mga pasyente. (Lordeth Bonilla)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended