Parak, anak binoga sa inuman
November 26, 2005 | 12:00am
Patay ang isang pulis Quezon City at anak nito, habang sugatan ang dalawang iba pa nang barilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin, kahapon ng madaling-araw sa nabanggit na lungsod.
Namatay noon din ang mag-amang sina SPO3 Mario Peralta, 52, at anak nitong si Marvin, 25, ng Bustamante St., Brgy. Sto Niño, Galas, Quezon City.
Samantala ginagamot naman sa East Avenue Medical Center sina Michael Ivan Peralta, 23, pamangkin ng pulis at kaibigan nitong si Benjie Macam, 21, kapwa estudyante.
Batay sa inisyal na report ni SPO1 Felipe Tumibay ng QCPD-Criminal Investigation Division (CID) naganap ang pamamaril sa tapat ng bahay ng pulis dakong alas-2 ng madaling-araw.
Lumilitaw na nag-iinuman umano ang mga biktima nang biglang lumapit ang dalawang lalaki na armado ng mga baril at inagaw ang cellphone ng sugatang biktima na si Michael Ivan.
Tumayo ang pulis subalit sinabihan ito ng mga suspect na "Sir, wag ka nang pumorma" at saka mabilis na pinagbabaril ng mga ito ang apat na biktima.
Tinamaan ng bala sa tainga ang pulis at sa ulo naman ang anak nitong si Marvin na namatay noon din.
Tinatayang nasa gulang na 25-30 ang mga suspect, nakasumbrero at kapwa nakasuot ng kulay berdeng jacket.
Tinitingnan ang motibo ng holdap. Iniulat na kinuha rin ng mga suspect ang service firearm ng pulis at ang cellphone ng isa sa mga biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended