^

Metro

PUP binarikadahan ng mga guro at estudyante

-
Isinara kahapon ng pinakamalaking unibersidad sa Asya na Polytechnic University of the Philippines (PUP) matapos na magbarikada ang daan-daang mga guro, estudyante at ibang manggagawa na humihiling sa pamahalaan na magtalaga ng tunay na presidente.

Sinuspinde ang buong klase sa unibersidad dahil sa paglusob at pagbabarikada ng may 500 faculty staff, empleyado at estudyante ang gate nito na nag-umpisa dakong alas-7:30 ng umaga.

Ayon kay Abet Perez Jacob, ng Save PUP Movement, kahilingan ng kanilang grupo na magtalaga ng opisyal na presidente ng PUP para sa kanilang kapakanan dahil sa pagkaantala ng mga importanteng desisyon at programa na hindi kayang gampanan ng kapangyarihan ng mga itinalagang officer-in-charge (OIC) buhat pa noong 2003.

Hiniling naman sa Alliance of Concerned Legitimate Sectoral Leaders/Presidents for a Legitimate PUP president sa pamahalaan na magtalaga ng opisyal na presidente na may "vision" at "mission" para sa kapakanan ng mga empleyado.

Sa record, simula pa noong taong 2003 ay wala nang itinalagang opisyal na presidente ang PUP at ang tanging nakaupo ay mga OIC. Mula 2003, ang umupo nang OIC ay si Dr. Samuel Salvador (2003-June 2005) at si Dr. Dante Guevarra naman ang kasalukuyang OIC. (Danilo Garcia)

ABET PEREZ JACOB

ALLIANCE OF CONCERNED LEGITIMATE SECTORAL LEADERS

ASYA

AYON

DANILO GARCIA

DR. DANTE GUEVARRA

DR. SAMUEL SALVADOR

HINILING

ISINARA

POLYTECHNIC UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with