^

Metro

Sexagenarian tiklo sa panggagahasa

-
Naaresto ng mga tauhan ng Quezon City Police District-District Intelligence and Investigation Division (QCPD-DIID) ang isang negosyante na umano’y nanggahasa sa isang menor-de-edad sa Quezon City.

Ayon sa report ni Supt. James Brillantes, nagkaroon sila ng koordinasyon sa San Juan Police Station kung saan dakong alas-8:30 kamakalawa ng gabi nang pasukin nila ang bahay ni Emmanuel David Pascual, 60, tubong Pampanga at residente ng #37 Annapolis St., Greenhills Subdivision Mansion, San Juan, Metro Manila.

Sinabi ni Brillantes na dinakip nila ang suspect matapos na magreklamo ang isang 16-anyos na dalagita na umano’y pinagsamantalahan ng suspect sa loob ng isang motel. Kinumpirma naman ng medico-legal report ng PNP Crime Lab na may sugat ang pagkababae ng biktima.

Batay sa rekord ng pulisya, lumilitaw na tinawagan ng suspect ang biktima na isang massage therapist kung saan nagkita ang mga ito sa isang department store sa Fairview.

Kumain muna ang dalawa hanggang sa makaramdam ng pagkahilo ang biktima at dalhin na ng suspect sa isang motel sa Pasig. Nagising na lamang ang biktima na hubo’t hubad at nananakit ang buong katawan.

Nagawa pa umano ng suspect na isakay siya ng taxi at nagbunsod naman sa biktima na magsumbong sa mga awtoridad. (Doris Franche)

vuukle comment

ANNAPOLIS ST.

CRIME LAB

DORIS FRANCHE

EMMANUEL DAVID PASCUAL

GREENHILLS SUBDIVISION MANSION

ISANG

JAMES BRILLANTES

METRO MANILA

QUEZON CITY

QUEZON CITY POLICE DISTRICT-DISTRICT INTELLIGENCE AND INVESTIGATION DIVISION

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with