NBI chief sinusuportahan na lang ng makina
November 25, 2005 | 12:00am
Lumalabas na sinusuportahan na lamang ng mga makinang "life support system" upang mapanatiling buhay si National Bureau of Immigration (NBI) Director Reynaldo Wycoco sa loob ng Manila Doctors Hospital (MDH).
Sa ipinalabas na medical bulletin ni MDH Medical Director Dr. Dante Morales, dakong alas-3 ng hapon, nakasaad dito ang pagsuporta sa pamamagitan ng high-tech na life support ang mga vital organs ni Wycoco hanggang sa ma-evaluate ang kakayahan ng utak nito.
Malaki ang posibilidad na tuluyang masawi na si Wycoco sa oras na tanggalin ang life-support sa katawan nito at hindi pa naman nagdedesisyon ang pamilya nito kung ipatatanggal ang apparatus.
Sa opinyon ng limang neuro-surgeons at neurologists na tumitingin kay Wycoco, wala pang indikasyon upang isailalim sa operasyon sa utak ang NBI Director. Sa loob ng 24 na oras, isasailalim naman sa CT scan at electroencephalogram si Wycoco upang masuri ang sistema ng utak nito.
Una nang iniulat ng mga manggagamot na nakaranas ng hemorrhagic stroke dulot ng rupture aneurysm o pagputok ng daluyan ng dugo sa utak sanhi ng biglang pagtaas ng blood pressure ni Wycoco.
Sinabi ni Morales na malaki na ang naging epekto sa utak ni Wycoco sa 25 minuto bago maisugod ito sa pagamutan. Diretsong apektado umano ang pagsasalita at paggalaw kung saan posibleng maging lantang-gulay ang katawan nito kung makakaligtas sa atake. Namana umano ni Wycoco ang naturang sakit sa kanyang pamilya at may karanasan din ito ng biglaang pagtaas ng blood pressure ngunit nagagamot naman agad. Hindi rin umano garantiya ang pagiging malusog nito dahil sa maaaring umatake ang sakit anumang oras depende sa nararamdaman ng biktima.
Nabatid naman na isinelebra lamang ni Wycoco ang kanyang ika-59 na kaarawan nitong Nobyembre 10, tatlong taon matapos na magretiro sa Philippine National Police (PNP). Natalaga siyang direktor ng NBI noong Enero 23, 2001 matapos na hirangin ni Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest