Pasay nabulabog sa meningo
November 25, 2005 | 12:00am
Labis na naalarma ang mga residente sa Pasay City matapos na isang-35 anyos na babae ang hinihinalang nasawi dahil sa sakit na meningococcemia, kamakalawa ng gabi sa loob ng Pasay City General Hospital.
Nakilala ang nasawi na si Marjorie Florano, na taga-Parañaque.
Kaugnay nito, pansamantalang isinara ang nabanggit na pagamutan at hindi muna tumanggap ng mga pasyente maging ng mga emergency case upang maiwasan ang posibleng pagkalat nito. Ang iba naman na nasa loob ay hindi na muna pinalabas pa.
Ayon sa ina ng biktima na si Marina Florano, isinugod nila noong Lunes sa naturang ospital ang kanyang anak dahil sa mga pasang nakita sa buong katawan nito, matinding lagnat at pagsusuka na naramdaman nito.
Ngunit dakong alas-10:30 ng gabi habang nilalapatan ito ng lunas ay sinawing palad na bawian ito ng buhay.
Sa hinalang meningo ang ikinasawi nito, agad na inalarma ang pagamutan at pansamantalang isinara. Habang isinusulat ang balitang ito ay nananatiling hindi nagpapapasok ng mga bagong pasyente sa loob.
Naalarma rin ang daan-daang estudyante sa Padre Burgos Elementary School, ang paaralang malapit sa nabanggit na ospital sa pangambang umabot sa kanila ang naturang sakit. Nagsuguran ang mga magulang sa paaralan at sinundo ang kanilang mga anak matapos na mabatid na may namatay sa meningo sa kalapit na pagamutan.
Maging ang kalapit na mga residente ay nakaranas din ng matinding pangamba sa posibleng masamang idulot nito sa kanilang buhay.
Dahil dito, nanawagan si Pasay City Mayor Wenceslao Trinidad na walang dapat na ikabahala ang kanyang mga kababayan dahil ginagawa na nila ang lahat ng hakbangin upang hindi makahawa sa iba pang pasyente ang sakit.
Patuloy na iniimbestigahan ng Department of Health (DOH) ang insidente. Maghihintay pa ng ilang araw bago makumpirma kung meningo nga ang ikinamatay ni Marjorie.
Hinihintay pa ang resulta ng ginawang pagsusuri sa blood culture ng nasawi.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest