^

Metro

Gang war sa Tondo muling sumiklab: Mag-ina nadamay

-
Isang 2-anyos na batang babae at ang kanyang 21-anyos na ina ang pinakabagong biktima ng street violence matapos silang tamaan ng stray bullet sa naganap na gang war sa Tondo, Maynila kahapon ng hatinggabi.

Nakilala ang mga biktima na sina Christine Morquinos at ang kanyang ina na si Maricel na kapwa nagtamo ng tama ng bala ng baril.

Ayon sa isinagawang imbestigasyon nasa labas ng kanilang bahay ang mag-ina sa 045 C.P. Gracia St. Tondo ng biglang magpaputok ng baril ang isang lalaki sa isang grupo ng mga kabataan.

Ayon kay Maricel, matapos ito ay bigla na lamang siyang tumumba habang karga ang kanyang anak. Nagtamo ng sugat sa braso si Maricel habang ang kanyang anak naman ay tinamaan sa may puwitan.

Noon lamang nakalipas na linggo, isang ginang din ang tinamaan ng stray bullet sa gitna ng mainit na pagsasagupa ng dalawang grupo ng kabataan na nag-aaway. Ang halos gabi-gabing sagupaan ng mga gang sa nabanggit na lugar ay nagpapaalarma sa mga residente dito dahil sa kadalasang nadadamay ay mga inosente at walang alam sa pangyayari.

Kasabay naman nito, ang sinasabing "hitman" ng street fraternity gang na iniulat na responsable sa pagpaslang sa dalawang miyembro ng kalaban nilang grupo ang nadakip sa Tondo, Maynila. Nakilala ang nadakip na si Jonathan Estacio, alyas Sky, 21, ng Domingo Santiago St., Sampaloc, Maynila.

Si Sky ay sinasabing leader ng Temple Street Trece at wanted sa pagbaril at pagpaslang kina Michael Duque noong nakalipas na Enero 2002 at Joydan Villegas noong Abril 2002. (Nestor Estolle)

vuukle comment

AYON

CHRISTINE MORQUINOS

DOMINGO SANTIAGO ST.

GRACIA ST. TONDO

JONATHAN ESTACIO

JOYDAN VILLEGAS

MARICEL

MAYNILA

MICHAEL DUQUE

NAKILALA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with