^

Metro

NCRPO full alert sa SEA Games

-
Simula ngayong araw na ito ay isasailalim na sa full alert status ng National Capital Region Police Office (NCRPO) sa buong Metro Manila dahilan sa posibleng pag-atake ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) kaugnay ng idaraos na ika-23rd Southeast Asian Games sa bansa.

Sinabi ni NCRPO chief Director Vidal Querol na magsasagawa sila ng mahigpit na pag-iinspeksyon sa mga behikulong papasok sa Metro Manila partikular na dito yaong mga galing sa Rizal, Bulacan at Cavite dahil may base sa Southern Tagalog Region ang NPA.

Binigyang diin pa ng opisyal na hindi nila pahihintulutang malusutan sila ng mga komunistang grupo.

Nabatid sa opisyal na mahigit 5,000 puwersa ng kapulisan ang kanilang ipakakalat sa mga venue ng SEA Games sa Metro Manila maliban pa sa mga bisinidad ng mga hotel na tutuluyan ng mga delegado, gayundin sa terminals, paliparan at mga pangunahing daan sa kamaynilaan. (Joy Cantos)

BINIGYANG

BULACAN

CAVITE

DIRECTOR VIDAL QUEROL

JOY CANTOS

METRO MANILA

NATIONAL CAPITAL REGION POLICE OFFICE

NEW PEOPLE

SOUTHEAST ASIAN GAMES

SOUTHERN TAGALOG REGION

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with