Carjackers umatake uli sa QC
November 24, 2005 | 12:00am
Isang negosyanteng Tsinoy ang iniulat na nasugatan makaraang barilin ng isa sa tatlong carjacker na sapilitang kumuha sa kanyang sasakyan sa Banawe, Quezon City , kamakalawa ng gabi.
Nakilala ang biktima na si Edison Tiu, 36, ng Brgy. South Triangle, Quezon City na nagtamo ng sugat sa hita, ito ay ginagamot ngayon sa St. Lukes Medical Center.
Ayon sa ulat dakong alas-9:30 ng gabi ng maganap ang insidente sa tapat ng Starbucks Coffee sa Banawe St., Manresa, Quezon City.
Nabatid na ipinarada lamang ni Tiu ang kanyang sasakyang Nissan X-trail na may plakang XRU-963 sa tapat ng nasabing coffee shop nang lapitan siya ng dalawang suspect at tutukan ng baril habang ang isa pa ay nagsilbing look-out.
Napag-alaman na tumanggi ang biktima na ibigay ang susi ng sasakyan kung kayat pinaputukan ito ng isa sa mga suspect.
Tuluyang natangay ng mga suspect ang sasakyan ng biktima. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended
November 18, 2024 - 12:00am