Kaugnay nito, malamang na maipasara ng Quezon City Hall , Business and Permits and Licensing Office ang naturang auto supply dahil sa pagbili at pagbebenta ng mga nakaw na piyesa ng kotse.
Dinakip din ng mga pulis ang mag-asawang sina Julian at Preciosa Chica na siyang nagmamay-ari ng naturang auto parts supply.
Sinabi ni Pacifico Maghacot ng QC Permits and Licensing Office na malamang na maipasara ang tindahan ng mag-asawa dahil sa paglabag sa Anti-Fencing Law dahil sa pagbili at pagbebenta ng mga nakaw na spare parts.
Muli nanawagan si Maghacot sa publiko laluna sa mga spare parts buyer na mag-ingat at ugaliing huwag paloko sa mga binibiling mga nakaw na piyesa dahil pati sila ay sangkot sa kaso.
Magugunitang una nang inatasan ni Quezon City Mayor Feliciano Belmonte na paigtingin ang kampanya sa sindikato ng bentahan ng mga nakaw na spare parts upang mapigilan ang mga modus operandi ng sindikato ng karnap at carjack. (Angie dela Cruz)