5-anyos nalitson sa sunog
November 21, 2005 | 12:00am
Natusta ang katawan ng isang 5-anyos na bata nang maipit ito sa nagliliyab na bahay nang masunog sa isang squatters area kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.
Halos hindi na makilala pa ang bangkay ng biktimang si Prince Carlo Fernando ng Gate 15 Parola Compound, Tondo, Maynila.
Sa ulat ng Manila Fire Bureau, naganap ang sunog dakong alas 10:11 ng umaga sa loob ng isang Lucy Santos, tiyahin ng biktima nang magshort circuit ang sala-salabit na koneksiyon ng kable ng kuryente.
Mabilis na kumalat ang apoy hanggang sa madamay pa ang iba pang mga bahay. Umabot sa mahigit isang oras ang sunog dahil hindi agad nakapasok ang mga bumbero bunga na rin ng sikip ng daan.
Tinatayang aabot naman sa P200,000 ang halaga ng mga ari-ariang naabo habang 50 pamilya naman ang nawalan ng tirahan. (Danilo Garcia)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended