^

Metro

Dalaga utas, 5 sugatan sa holdap

-
Patay ang isang dalaga habang sugatan naman ang lima pang katao nang pagbabarilin ng dalawang holdaper na tumangay ng P300,000 kita sa palengke kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Dead on arrival sa Amang Rodriguez Medical Center ang sanhi ng tama ng bala ng baril sa katawan ng biktimang si Daisy Plarisan, 17, helper habang nasa kritikal na kondisyon naman ang kasamahan nitong si Neri Pudadera, 23 at amo nitong si Archie Gabia, 33.

Nadamay din sa pamamaril ang magkakaibigang sina Raymond Nocon, 22; Rey Ann Soriano, 25 at Mario Labonete nang paulanan ng bala ang kanilang sinasakyang Honda CRV na may plakang WHE-221.

Mabilis namang tumakas ang dalawang suspect na sakay ng pampasaherong tricycle.

Ayon sa ulat ni PO3 Glenn Aculana, dakong alas 8:50 ng gabi nang maganap ang insidente sa B.G. Molina St. Brgy. Parang, Marikina City.

Papauwi na at sakay ng isang kulay maroon na Isuzu Elf na may plakang XTB-482 sina Gabia, Plarisan at Pudadera galing sa NGI Market nang madaanan nila ang dalawang suspect na tila nag-aaway.

Binagalan ng biktimang si Gabia ang pagmamaneho subalit bigla na lamang silang tinutukan ng baril ng mga suspect at sapilitang kinuha ang P300,000 na kita sa palengke. Dito ay pinaulanan ng bala ng mga suspect ang mga biktima hanggang sa madamay at tinamaan ang paparating na Honda CRV nina Nocon, Soriano at Labonete.

Nakuha naman sa pinangyarihan ng krimen ang siyam na basyo ng 9mm at dalawang basyo ng caliber .45. (Edwin Balasa)

vuukle comment

AMANG RODRIGUEZ MEDICAL CENTER

ARCHIE GABIA

DAISY PLARISAN

EDWIN BALASA

GABIA

GLENN ACULANA

ISUZU ELF

MARIKINA CITY

MARIO LABONETE

MOLINA ST. BRGY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with