^

Metro

Seguridad sa SEA Games, tiniyak ng NCRPO

- Nina Doris Franche At Lordeth Bonilla -
Tiniyak ni National Capital Regional Police Office (NCRPO) chief Director Vidal Querol na handang-handa na ang kanyang kapulisan kaugnay ng seguridad na ibibigay sa mga participants ng South East Asian Games na gaganapin mula Nobyembre 27 hanggang Disyembre 5, 2005.

Ayon kay Querol, nagsagawa na ng mga dry run ang mga police district na kinasasakupan ng mga laro sa nalalapit na SEA Games sa bansa.

Aniya sa Quezon City Police District ipinakita ng mga tauhan ni Chief Supt. Nicasio Radovan ang dapat na gawin sakaling magkaroon ng bomb threat. Umaabot sa 1,900 na pulis ang nakatalaga sa SEA Games.

Sa pangunguna ni QCPD-Baler Police Station chief, Supt. Raul Petrasanta, isinagawa ang dry run sa Great Eastern Hotel mula sa paghahanap ng bomba hanggang sa pagpapalikas sa mga naka-okupa sa hotel na tutuluyan ng mga participants.

Bukod dito handa na rin ang Kamuning Station ni Supt. Mario Soriano sa pagbabantay sa Amoranto Stadium kung isasagawa ang cycling at habang ang La Mesa Dam na pagsasagawaan ng rowing ang imomonitor ng Fairview Police ni Supt. Felicidad Gido.

Samantala, 600 namang pulis mula sa Southern Police District ang nakakalat na kinabibilangan ng Special Weapon and Tactics Team, Civil Disturbance Management Unit, Traffic Management Group, Special Action Force, K9 Units, uniformed at plainclothes police officers.

Sinabi ni SPD director Chief Supt. Wilfredo Garcia na tinatayang daan-daang delegadong atleta ang darating sa bansa.

AMORANTO STADIUM

BALER POLICE STATION

CHIEF SUPT

CIVIL DISTURBANCE MANAGEMENT UNIT

DIRECTOR VIDAL QUEROL

FAIRVIEW POLICE

FELICIDAD GIDO

GREAT EASTERN HOTEL

KAMUNING STATION

LA MESA DAM

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with