^

Metro

Kinidnap na dalaga napalaya na

-
Pinakawalan na ang dalagang stepdaughter ng mayamang negosyante na dinukot ng mga hindi nakikilalang kalalakihan matapos umanong magbayad ng P1 milyon ang mga kaanak ng biktima sa Caloocan City.

Ayon sa nakalap na impormasyon, nakabalik na sa piling ng kanyang pamilya ang kidnap victim na si Ailyn Cadiao, 23, stepdaughter ni Richard Dadivas, 46, ng Manggahan, Vista Verde, Phase 3, Caloocan City.

Si Cadiao ay pinakawalan umano kamakalawa ng gabi ng mga dumukot dito matapos na magbayad ng isang milyong piso ang pamilya ng biktima sa mga kidnappers.

Sa ulat, dakong alas-9 ng umaga noong nakalipas na Nobyembre 10, 2005 nang dukutin ang biktima ng dalawang armadong kalalakihan sa loob ng RD Dadivas Coco Lumber and General Mechandising sa Lot 220 Blk. 8, General Luis Kay Biga ng nasabing lungsod at pag-aari ni Dadivas.

Sapilitang isinakay ng mga suspect si Cadiao sa puting KIA Pride na walang plaka at saka tuluyang tumakas patungo sa Sitio Gitna, Caloocan City.

Samantala, hindi naman naniniwala ang pulisya na miyembro ng kidnap for ransom syndicate ang mga suspect kung saan unang nag-demand ng halagang P50,000 na hindi gawain ng mga professional na kidnappers.

Tinitingnan din ng mga awtoridad na anggulong awayan sa pamilya ang motibo ng pagdukot sa biktima. (Rose Tamayo)

AILYN CADIAO

CALOOCAN CITY

DADIVAS COCO LUMBER AND GENERAL MECHANDISING

GENERAL LUIS KAY BIGA

RICHARD DADIVAS

ROSE TAMAYO

SI CADIAO

SITIO GITNA

VISTA VERDE

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with