^

Metro

Supplier ng solvent sa mga batang kalye, timbog

- Gemma Amargo-Garcia -
Matapos inguso ng kanilang kostumer na mga paslit, tatlong sinasabing supplier umano ng solvent ng mga batang kalye sa lungsod ng Maynila ang dinakip ng mga awtoridad, kahapon ng umaga sa Tondo, Maynila.

Nakilala ang mga nadakip na suspect na sina Jocelyn Santos, 25; Nilo Sarabia at Janet Ebardolaza, 30, pawang residente ng 812 El Cano St. Tondo, Maynila.

Bago ang pagka-aresto sa mga suspect, sinabi ni Supt. Edgar Danao, ng MPD-Station 2 na nakatiyempo ang kanyang mga tauhan ng mga batang kalye na sumisinghot ng rugby sa may Plaza Morga sa Tondo kung kaya’t agad-agad na pinigil ang mga ito.

Pinilit ng mga pulis ang mga paslit na nagkaka-edad lamang ng 10-taong gulang pababa na ituro sa kanila kung sino ang nagbebenta sa mga ito ng solvent.

Sinamahan ng mga paslit ang mga awtoridad sa bahay ng mga suspect kung saan narekober pa sa mga nadakip ang may 205 botelya ng solvent na nagkakahalaga ng P40 bawat isa.

Ayon pa sa mga bata, noong una ay P30 lamang umano ang bawat isang botelya ngunit kamakailan ay nagtaas ng presyo ang mga suspect.

Binanggit pa ng pulisya na nang-iisnatch ang mga batang kalye ng mga alahas, bag o cellphone upang may maipangtustos sa kanilang bisyo na pinagkakakitaan naman ng mga nadakip.

AYON

BINANGGIT

EDGAR DANAO

EL CANO ST. TONDO

JANET EBARDOLAZA

JOCELYN SANTOS

MAYNILA

NILO SARABIA

PLAZA MORGA

  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with