Aroganteng hukom kinastigo ng SC

Kinastigo ng Supreme Court (SC) ang isang hukom dahil sa matinding panlalait nito sa isang negosyanteng Chinese, sa abogado nito at sa kanya mismong clerk of court.

Si Muntinlupa Regional Trial Court Branch 276 Judge Normal Perello ay sinabon makaraang tawagin nitong suwapang at ganid sa salapi ang complainant na si Cua Shuk Yin.

Habang tinawag naman ni Perello na tamad at pabaya ang abogado ng complainant at binansagan naman nitong "engot" ang kanyang clerk of court.

Ipinaliwanag pa ng SC na labag sa code of judicial conduct ang pagsasabi ni Perello ng hindi magagandang salita laban sa kampo ng complainant dahil ang mga hukom ay dapat na maging mapagtimpi, pasensiyoso at magalang sa lahat ng pagkakataon.

Batay sa rekord ng korte, napikonn si Perello matapos siyang ireklamo ni Cua Shuk Yin dahil sa umano’y mabagal sa pagresolba nito sa isinampa niyang kaso sa kanyang sala. (Grace Amargo-dela Cruz)

Show comments