1 sa 3 carjacker buhay pa nang ratratin uli
November 19, 2005 | 12:00am
Buhay pa ang isa sa tatlong hinihinalang carjacker nang muling paputukan ng mga tauhan ng Traffic Management Group sa kontrobersiyal na Ortigas shootout noong nakalipas na Nobyembre 7.
Ito ang ibinunyag ni TMG director Chief Supt. Augusto Angcanan sa kanyang pagharap sa public hearing ng en banc committee ng Commission on Human Rights (CHR) kahapon.
Ayon kay Angcanan, ibinunyag ito sa kanya ng isang pulis na sangkot sa engkuwentro na nagsabing humihinga pa ang suspect na si Francis Manzano na nakasakay sa likuran ng Nissan Exalta. Tumanggi naman itong ibunyag ang pangalan ng pulis.
Lumilitaw sa pahayag ng pulis na nakita niyang gumalaw pa si Manzano kung kayat muling pinaputukan sa pangamba na makaganti sa mga awtoridad.
Subalit ayon sa CHR, wala nang kakayahan pang makaganti si Manzano dahil sa tinamo nitong mga tama ng bala ng baril sa ulo. Patuloy pa rin ang isinasagawang pagdinig sa nasabing insidente. (Doris Franche)

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
- Trending
Trending
Latest
Trending
Latest
Recommended