^

Metro

Estudyante, biktima ng gang rape

-
Anim sa pitong kabataang lalaki ang dinakip ng pulisya nang i-gang rape nila ang isang 17-anyos na estudyante kamakalawa sa Pasay City.

Nakilala ang mga suspect sa mga pangalang Everet, 18; Edel Joseph, 18; Zaldy,19; Marjim John, 17; Louie, 16; John Christopher, 16, habang nakatakas naman ang isa pang suspect na nakilala lamang sa pangalang Jenard, 17, pawang mga residente ng Villamor Air Base.

Sa report na tinanggap ni Supt. Rosendo Franco, hepe ng Pasay City Police, naganap ang insidente dakong alas-10 ng gabi sa bahay ng suspect na si Louie nang imbitahan nito ang biktima na itinago sa pangalang Shiela.

Hindi akalain ng biktima na naroon din ang iba pang kaibigan nito hanggang sa mag-inuman at magkalasingan.

Bagama’t nakakaramdam ng pagkahilo, nakita niya kung paano siya halinhinang gahasain ng mga suspect na nagresulta sa pananakit ng kanyang katawan at ari.

Agad namang nagreklamo sa pulisya ang biktima na nagresulta sa pagkakadakip sa mga suspect. (Lordeth Bonilla)

vuukle comment

BAGAMA

EDEL JOSEPH

EVERET

JOHN CHRISTOPHER

LORDETH BONILLA

MARJIM JOHN

PASAY CITY

PASAY CITY POLICE

ROSENDO FRANCO

VILLAMOR AIR BASE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with